Me!

Me!
from my iPhone

Followers

Sunday, September 28, 2008

SPORE

just installed this game and i'm enjoying it! haha!

in the mean time while ROSE isn't fully back up yet, maintenance and server upgrades, SPORE will suffice. :)

kulet ng mga pwede mong gawing characters! haha!


Saturday, September 20, 2008

13

parang kelan lang yung surprise dinner/ anniversary/ bday celebration tapos ngayon pang 13th na! yiheeeee! :)

HAPPY 13th boss! :*

iloveyou! :*


Thursday, September 18, 2008

BAD TRIP

3 days nakong di online sa computer ko. wala lang, all of sudden nag quit yung router. pero pag direct connect sa modem, i can surf just fine. eh kaya nga ako nag router kasi halos lahat ng gamit ko naka wireless, from the console to my computer. tsaka gusto ko ng privacy, kaya nga ako nag setup ng station ko sa room. tas biglang di nagana router? waaaaaaa!!! weird lang kasi nakaka broadcast ng IP yung router, so meaning online sya. ang problema pag mag browse na..ayaw!

nag try nakong mag tweak, hard code, flush ng firmware, reset ng router, hard code yung IP's and DNS sa pc (both computers), walang luck!...so akala ko router prob...nag pa bili ako ng isa pang router w/c is a linksys WRT54G2, yung updated version ng una kong router...GANUN DIN!!!!...taena, halos makipag away nako sa PLDT tech support, kasi i personally think na may binago silang protocol sa end nila. prolly blocked my MAC address so that i wont be able to use my router (they can do that actually)...di naman daw, tas insist sila na router prob daw, sabi ko pano yung bagong router? ganun din daw, router prob, sa private tech na lang pagawa...ANUBUUUURRRRR!!!! HELP!!! :(( susuko ako sa customer service dito satin! ;(....

ay, ay, may isa pakong di nagagawa...actually nagawa ko na pala. ginawa kong parang SWITCH yung linksys tas ang router bale yung modem...bale nag assign ako ng static IP sa linksys tas disabled the gateway tas ginawa kong router type. so ang nagyari naka connect parin yung modem sa router, GUMANA! kaso, unindentifed naman pag wireless, kasi ni disable ko yung DHCP, eh amfff..sa DHCP pala nag ru-run ang wireless.... ngayon try ko naman mag WDS (wireless distribution system)...since 2 routers ko, flush ko ulet firmware ng router A tas encode ko yung MAC address ng router B sa router A. tas parang mang yayari, magiging REPEATER yung router A. tas parang Bridged connection sila. AMF!!!!! ako bato? nagiging techie nako! LOL...GUDLAK!!!!

dumating nga ang tech nila dito, pinalitan lang modem at walang nagawa! di daw nya alam pano gagawin dito...ano ba yan!?!? nagana naman sya dati eh, bat bigla nalang di ako maka route!? amfff!!! haaaaayz...nag subscribe nako sa ibang ISP (GLOBE), sana makabit na agad sa weekend....isa pang kinaiinit ng ulo ko...kasi miss ko na yung ISA dyan... :( di ko tuloy maka usap ng maayos. :( waaaaaaa!!! miss na miss na kita beb! miss mo ko? hehe

:(( pero mag kausap naman kami kagabi...yiheeeee!!! saya! :) :*

tsaka di tuloy kami makapag laro na! waaaa!!!

Wednesday, September 3, 2008

i hope it's not the BIG "C"

kahapon pa kami stressed, emotionally and mentally. but God is good, i know.

pag uwi ko kahapon, tuwa ako kasi off ni baby sa nights, since wala naman ata syang lakad, ayun i was kinda expecting na makaka usap ko sya ng matagal. na mi-miss ko na kasi yung wala lang na usapan, kahit naka tunganga lang kami pareho, at least matagal ko syang makaka usap or ma view man lang. so yun, sagot sagot sa email, comment dito, comment dyan habang nag hihintay at ang pesteng FACEBOOK, lalo na yung app na OWNED! tae, bili ng bili...tsk!, di ko na lang pag aaksayahan ng panahon...ORC! hehe

so, anyway, yun na nga di pa nag iinit pwet ko sa pag kaka upo, dumating sila mama. kinatok ako ni angel, sabi nya, "DADDY!, i C-CT SCAN ako mamaya"....at ako naman, ANO DAW?! tas pasok si mama sa room, sabi nya for CT SCAN nga si angel ng 2:30 pm kahapon sa Alabang. kasi di nag change yung condition ng sinus nya. barado parin ng sipon plus may mga parang bukols ata na nakita. although ok na yung pan dinig ni angel, kaso ngongo parin dahil sa sipon. see, si angel parang ako, may rhinitis, sinusitis, polyps and whatnot. ang bata bata pa sinalo na lahat! kakaawa naman...may HIKA pa sha ah! amfff!

so di ko na natapos yng mga emails ko, hala, pintay ko na lang yung pc bigla. alis na kami. kelangan i CT SCAN kasi para ma diagnose talaga kung ano yung nag cause nun. at seryoso, nataranta lang kami nung sinabi nung DOC na let's hope it's NOT THE BIG "C"... WTF!?!?! Baby pa si angel! as in...tameme kami. ako naman, di ako maka isip ng matino, parang lang dami ko kagad naiisip. gusto ko sanang tawagan si baby ko, kanya lang gusto ko din naman din syang makapag pahinga na lang ng matagal. pero yep, gustong gusto ko na talaga may kausap nun, at si baby ko lang naiisip ko. pero sabi ko nga, baka mag isip pa yun, saka na lang.

nakuha na yung result, wala namang nakitang significant mass na pwedeng sabihing Cancer. hingaaaaaaa lang ng maluwag. pero mamaya pa malalaman yung interpretation ng CT SCAN. kasi mamaya pa available yung Doctor.

wala akong kagana gana mag work kanina, nakaka lungkot lang. tas naiisip ko lang asawa ko bigla, sana kasama ko sha, eh di sana may umaakap sakin (chancing lang ako..haha! ), kaya ayun tuloy napa emote ako sa text. hehe. i love you baby! :*

kampante ako na ok lang lahat mamaya. mahirap din sabihing wag mag alala, at wag mag OA, eh shempre dugo ko din si angel. ako na nga parang tatay nyan eh. yung attachment ko lang sa bata, eh ganun ganun na lang. pero i'm sure, maganda result mamaya. for now, isip ko lang si baby ko, para sumaya saya naman ako. hehe :)

and angel, wala lang yan..barado lang talaga ang ilong mo. i-singa mo kasi! haha!