Me!

Me!
from my iPhone

Followers

Wednesday, September 3, 2008

i hope it's not the BIG "C"

kahapon pa kami stressed, emotionally and mentally. but God is good, i know.

pag uwi ko kahapon, tuwa ako kasi off ni baby sa nights, since wala naman ata syang lakad, ayun i was kinda expecting na makaka usap ko sya ng matagal. na mi-miss ko na kasi yung wala lang na usapan, kahit naka tunganga lang kami pareho, at least matagal ko syang makaka usap or ma view man lang. so yun, sagot sagot sa email, comment dito, comment dyan habang nag hihintay at ang pesteng FACEBOOK, lalo na yung app na OWNED! tae, bili ng bili...tsk!, di ko na lang pag aaksayahan ng panahon...ORC! hehe

so, anyway, yun na nga di pa nag iinit pwet ko sa pag kaka upo, dumating sila mama. kinatok ako ni angel, sabi nya, "DADDY!, i C-CT SCAN ako mamaya"....at ako naman, ANO DAW?! tas pasok si mama sa room, sabi nya for CT SCAN nga si angel ng 2:30 pm kahapon sa Alabang. kasi di nag change yung condition ng sinus nya. barado parin ng sipon plus may mga parang bukols ata na nakita. although ok na yung pan dinig ni angel, kaso ngongo parin dahil sa sipon. see, si angel parang ako, may rhinitis, sinusitis, polyps and whatnot. ang bata bata pa sinalo na lahat! kakaawa naman...may HIKA pa sha ah! amfff!

so di ko na natapos yng mga emails ko, hala, pintay ko na lang yung pc bigla. alis na kami. kelangan i CT SCAN kasi para ma diagnose talaga kung ano yung nag cause nun. at seryoso, nataranta lang kami nung sinabi nung DOC na let's hope it's NOT THE BIG "C"... WTF!?!?! Baby pa si angel! as in...tameme kami. ako naman, di ako maka isip ng matino, parang lang dami ko kagad naiisip. gusto ko sanang tawagan si baby ko, kanya lang gusto ko din naman din syang makapag pahinga na lang ng matagal. pero yep, gustong gusto ko na talaga may kausap nun, at si baby ko lang naiisip ko. pero sabi ko nga, baka mag isip pa yun, saka na lang.

nakuha na yung result, wala namang nakitang significant mass na pwedeng sabihing Cancer. hingaaaaaaa lang ng maluwag. pero mamaya pa malalaman yung interpretation ng CT SCAN. kasi mamaya pa available yung Doctor.

wala akong kagana gana mag work kanina, nakaka lungkot lang. tas naiisip ko lang asawa ko bigla, sana kasama ko sha, eh di sana may umaakap sakin (chancing lang ako..haha! ), kaya ayun tuloy napa emote ako sa text. hehe. i love you baby! :*

kampante ako na ok lang lahat mamaya. mahirap din sabihing wag mag alala, at wag mag OA, eh shempre dugo ko din si angel. ako na nga parang tatay nyan eh. yung attachment ko lang sa bata, eh ganun ganun na lang. pero i'm sure, maganda result mamaya. for now, isip ko lang si baby ko, para sumaya saya naman ako. hehe :)

and angel, wala lang yan..barado lang talaga ang ilong mo. i-singa mo kasi! haha!

No comments: