Me!

Me!
from my iPhone

Followers

Wednesday, December 23, 2009

Happy Holidays!

Happy Christmas, everyone!

May we celebrate this season of giving with love, respect and right attitude.

Let's all be thankful with what we have. Let's be thankful with God has provided us.

Let's all look forward to a brand new 2010.

Merry Christmas y'all! :D

awabu!:*

Tuesday, December 22, 2009

what a day!

nothing's more frustrating when you lose your hard earned money to nothing...literally, i lost it. don't know how, when and where.

as i was on my way home..i couldn't help but looked at my wallet...and there..i only have 1K (One Thousand Pesos)...i just felt numb..i couldn't think and as if the world just stopped. FUCK!!!

i've no memory or whatsoever how i lost it...i just lost it.

oh well, hope it helps...

MERRY CHRISTMAS! xD

Monday, December 21, 2009

It's been awhile!

I haven't updated my blog/site lately, well, it's that pesky facebook phenomenon..i guess..haha! All is good, been uber busy with work and since it's the HOLIDAYS..yeah it's CHRISTMAS season again! Time does fly...so fast. xD.

can't think of anything for now...but i'd like to write and post stuff about 'whatevers', again.

i kinda miss it. :)

Happy Holidays!!! :D

**** i do accept Gifts..wink wink! haha!


Friday, October 16, 2009

Taking Chances

Life is never fair...we only get what we deserve. no more no less.

No matter how you make the best of out of everything, it still is, not enough.

So we take chances. Whatever the outcome maybe, it's only, what we deserve.

We have to learn to appreciate the things we have and not expect anything at all.

We take chances but learn not to expect. It makes life easier, i guess.

Live Life, but don't waste it. Take chances, but be wise.

See the ugly truth is...nothing stays the same.


Wednesday, October 14, 2009

Happy Birthday, Ed! :)

Wish you nothing but the Best :)

Happy Birthday Baby! :D

I Love You!!! :*

Saturday, October 10, 2009

trials

Amidst all these and all that my family is going through right now, I know, we'll all be fine. there will always comes a time when a family is tested. i guess now more than ever, we need everyone's support to make it through.

one petty fight is enough to spark a big explosion. i hate that i had to hug my Mum and cried like a new born baby and couldn't do anything. But it felt good in a way, because i was able to let loose of all my frustrations and "sama ng loob" when i hugged her yesterday. Iniyak ko na lang lahat kung baga.

i'm just like my mama, and she's just like me. we don't have to say it, to understand it.

to my folks...love you guys!

Sunday, September 20, 2009

25th!

ang bilis ng panahon!

Beb, Happy 25th! :)

i love you!!! :*

Thursday, September 17, 2009

sick (dahil ata sa sabaw na weather)

got up at 2:30 am this morning...feeling drowsy. 2:30!? my work starts at 3:15..HELLO!? ahaha! so nag madali nako, wisik wisik na lang tas suot kung ano na lang mahablot, tas zoom! at ang ending eh..late pa rin ako. nyets! xD

so pag dating sa work..same drill, pa maxcap, hanap stations at mag bukas ng pina patay na aircon..CAMAAAN! sa call center kayo nag ta-trabaho, ayaw nyo ng lamig? kaya nga may jacket di ba? mga taong 'to!..anyway, unang call ko..nabahing ako...at di na tumigil kaka haching ko... nauuhaw ako, so hold ko muna kausap ko at bili ng C2 na lemon ata yun, basta yung yellow. kalahati palang ng naiinom ko, nag palpitate ako..waaaa!! tas sinabi sakin na, KAYA NGA DRINK IN MODERATION yan eh..OK FINE! so nakaka cause ng palpitations ang C2. pero ang bilis sakin? amf!..tas yun na...sumakit na lalamunan ko. at walang tigil na sipon..actually uhog na ata ito..non-stop!..kaya tuloy tawag sakin kanina eh..uhog boy. hahah!!...sakit ng ulo ko at lalamunan..grrrr....

tas naman ang panahon..ang init-init kanina na parang wala nang bukas para uminit ulit..sabay ngayon..ulan ng ulan? tsk tsk.

i think nagiging gremlin nako.



Wednesday, September 16, 2009

blog 4

na iyak ako pag pasok ko sa kwarto ko.

mejo naka gaan ng pakiramdam.

:)

Tuesday, September 15, 2009

blog 3

been feeling down these past few days. it's about work, personal life and whatnot.

i feel i'm tiring myself too much.

wish i could get enough sleep, yeah, maybe that's what i need. rest.

haaay life, it's hard.

Tuesday, September 8, 2009

Congrats, Beb! :)

One of the best news this year...Ed passed his IELTS exams. Kudos to you! :)

Sabi nga nya, one step closer to being an RN..Canadian RN, that is. ;)

See? you deserve it. Congrats again beb...proud of yah! :)

love you! :*

Monday, September 7, 2009

blog 2

spent the whole day yesterday, lying on my bed.

watched 3 movies, Terminator: Salvation, The Other Sister and Wall-E. i've seen the other sister already but never had an impact on me the first time i saw it from way back 'til yesterday. "Olive Juice"...then it strucked me, ah dito pala nakuha yun? then, naiyak lang ako. hehe. very touching movie nevertheless, i could watch it over and over and still, will make me cry, i guess. eto matindi..wall-E...mas naiyak ako. haha! i don't know what's wrong with me yesterday but i know i wasn't ok. probably because of the rains or whatever. i did go online when i woke up in the morning, i saw a couple of offline messages, sorry guys i wasn't able to reply. Messenger was just acting up plus my internet wasn't cooperating as well, pinatay ko na lang pc ko...after the movies, i just slept. haba din ng tulog ko. thank you, i needed it.

so now, absent ako. di ako nagising kanina, sorry ulit mga boss. i did call SLT kanina, Charlie said, MIA ka parin...weh? eto nga tumawag nako para di ako ma MIA and ma inform kayo, tas MIA parin..oh well, my fault na rin. i should be there helping you guys out with the queue, URUR! haha! :p

what to do now? same ol' same ol'...internet's pretty much ok now, still waiting for Sky's service call...again, for my Voip. it's not working..i can't dial out. i'm paying for a service i can't use..it sucks. what sucks more is that, i'm not even mad at them. ako ba 'to? pfffffttt.

ok..i'll just fool around a bit with my games on my other social networking site.

sayonara! (did i even spell it right?..ok na yan! haha)

Sunday, September 6, 2009

blog

it's 10 pm, Sunday, September 6.

Head hurts. i feel pain, i'm in pain. can't talk, i've no voice..never had.

i want to sleep, i need some.

it hurts.

Thursday, August 27, 2009

whatta day, err birthday.

Yesterday i spent almost the entire day at the clinic, primecare at SM Bicutan branch...what for? well, we're just trying to find out what's causing my palpitation, on and off actually....i was advised to continue with my maintenance drug..Atenolol, and will have to monitor my BP for 1 week..make sure it wont go up to 130...i need to be cleared again on my next ECG. so there you go, my birthday has passed, it ain't a fun bday to celebrate but at least am still ok. :)

i was asked to go back this morning, because they had to take my blood and urine sample for analysis and some other tests and whatnot..again took my whole morning at the clinic...2 days in a row i was absent from work...but hey, i have those SLs still..so amna use 'em...:)

i've been hypertensive for years already, like i said it's on and off...hate it! just recently my BP shot to a high of 140/100...not normal for me...and it didn't feel nice..AT ALL. but see, i had a picture of it, though. haha!

my only consolation would have to be, my Baby...glad you called. :)
Thank You! :) love you! :*

Thursday, August 20, 2009

24th! :)

I'm not gonna profess about how i feel about you and how important you are in my life, because you know that already. 2 years we've been together, well not physically though, but 2 wonderful years of joy and love, I can't ask for anything more.

i'm just looking forward to that day, when you and i are together. i want to spend the rest of my life with you..soon, Baby! :)

Cheers to 2 years of bliss and happiness!

I love you Baby and know that, you are the most important person in my life. I can't see myself with anyone else but YOU. :)

Happy 2 years to us...I LOVE YOU!!! :*

i'll see you, soon! :)

p.s....wag kang pasaway...alagaan mo sarili mo jan, habang wala pako. :)

Tuesday, August 11, 2009

Para kay B

THANK YOU!!! hahaha!!!


sabi ko na eh...ayaw mo pang mag spill out ha..hehe. :P


Thanks sa Gift!!!...I LOVE YOU!!! :*

next time dapat pareho na tayong manonood ng mga events! :)

Monday, August 3, 2009

Windows 7..excited!



am excited for Windows 7..lots of cool features...i have the RC version of Windows 7...hmmm..i might install it one of these days. :)

Monday, July 20, 2009

Saturday, June 20, 2009

Happy Father's day.

Yep..happy father's day sa lahat ng mga erpats and to YOU! :D

and...Happy 22nd to us beb! :)

i love you!!! :*

Monday, June 1, 2009

pa akap. :)

alam kong super busy kaw at sobrang pagod sa trabaho. gusto man kitang puntahan para alagaan at pag silbihan, kaso malabo naman nga diba? ilang libong milya ang layo natin. minsan nalulungkot ako kasi wala akong akong magawa para asikasuhin kaw. mabuti na lang kahit papano sa gantong paraan, napapakita ko sayo gano kita ka mahal. at sana sa mga salitang ito, eh kahit papano, naiibsan pagod at lungkot mo. sa iba, di nila ma take yung gantong blog, OA daw, i say...PAKE KO! :p�basta kahit ano para sa asawa ko, gagawin ko. :)

busy sha sa trabaho, kagaya ngayon, super straight na 16 hours na shift. at ilang araw na ganyan. di na kami nakakapag usap na regular, gaya ng dati, pero na iintindihan ko naman. di naman biro yung trabaho nya, at samin dalawa, mas pagod sha. so, hinahayaan ko na lang sha bumawi ng bumawi ng tulog. at pag may gimik, ok lang. sa bagay, iba ang buhay sa ibang bansa, lalo na doon na mangilan-ngilan lang kilala nya. enjoy lang basta na iinform lang ako ng maayos at lagi naman yung safety nya ang inaalala ko. anyway, malapit na naman akong pumunta jan. minsan iniisip ko na sana ma grant-an ako ng powers..yung teleportation ba? para maka punta na kagad dun. alam ko naman kahit di sha mag salita, eh naiinip na sha. pero wag ka mag alala beb, lapit nato. pag dating nung panahon na yun, gagawin kitang baby lang. :)

pa akap na lang ng mahigpit. :) miss na miss na kita eh. :( miss ko na yung mga alis-alis natin, yung mga tira mong pagkain (haha!), yung bonding natin, lahat na mi-miss ko, lalo na kaw! basahin mo man 'to o hinde, basta gusto ko lang sabihin...andito lang ako para sayo. lahat naman to para sayo, at gusto ko sa lahat ng achievements ko sa buhay, maging parte ka. pag dating ko din jan, may gimmik buddy ka na. hehe.

lapit na beb, tiis tiis na lang muna ha?... I LOVE YOU!!! :*




Sunday, May 31, 2009

blanko

gusto ko sana mag sulat about something. buhay-buhay, experience or tungkol sa VGH (voluntary go-home) haha! na VGH kasi kami, walang calls, kaya andito ako sa house ng maaga. problem is, ready nako mag sulat tas biglang ayaw ng umandar ng utak ko. pffft!

inaantok nako, pero gusto ko talaga mag sulat. di ko lang alam kung ano yun. siguro itulog ko na lang muna at pag gising ko, baka alam ko na. mejo nonsense na ito. hehe. pero at least may nasulat ako, kahit walang kwenta. haha!

have a good week ahead, everyone! :)

Monday, March 23, 2009

Utang na loob

walang tools! :(

matatapos na shift ko in 30 minutes...wala parin tools...musta ang stats? toink!

Patience is a VIRTUE ika nga. so no tools, i can't document my cases plus...lahat ng calls ko puro irate (pati ako GALIT), isa lang matinong call ko...at akala pa taga Canada ako (OO, malapit na!). hirap mag blind troubleshoot...kapa kapa lang. buti na lang matapos na shift ko....at 15 minutes na lang pala, uwi nako! can't wait! :D

queuing paaaa! ... xD

tagal ng problema netong mga tools nato, di parin nagagawa..haaaaayz...kaka frustrate.

wala lang..mainit lang ulo ko... (ayan, 7 mins na lang pala..uwian ko na.)

see you! :*

Sunday, March 15, 2009

pang gising ko

pag may pasok ako at nag papa gising ako...ito ang nagising sakin. :)


P3141164


P3141169


palibhasa, laging naka labas ang camera ko, kaya ayan todo picture naman kapatid kong loka-loka....hehe! sarap sarap ng tuyog ko tas pag gising mo may TYANAK! haha! kyot kyot! :D


P3141170

Monday, March 9, 2009

lutang

buhay nga naman...

di ako maka isip ng derecho, kawala ng gana mag trabaho. kanina sa work, automatic pag 559 ang area code, spiel ko...California, right? Yeah you're still affected by the outage, sorry...no ETA as of yet. pag nagalit si customer, You're not the only who's affected (bitch), almost the whole of Fresno and Sacramento are down...then there was silence...(shempre, medjo nag re-ready nako ng SUP-CALL, baka mag wala bigla si customer...hehe)..buti naman, ang madalas na sagot eh, ok, we'll just call back...and by the way, (COMPANY) sucks, bigtime!... nyahahaha!!!....di ako nag sabi nun ah, sila...hehe.

pag uwi naman, nag aantay ako ng bus...papuntang Cubao...kamusta? eh taga South ako!? pag uwi ko, kinakausap ako ng nanay ko...naka tingin lang ako at for some reason, di ko talaga gets yung sinasabi nya...so ang ending, na P.I. ako! hahaha!

EWAN!...masakit lang talaga siguro ulo ko. ininuman ko na ng gamot, mas parang lalong sumakit. must be the weather, ang init kasi eh. or siguro pagod lang ito. haaaay.

inubos ko na lang amoy ni athena kanina, pam pawala ng stress. :)





lutang

buhay nga naman...

di ako maka isip ng derecho, kawala ng gana mag trabaho. kanina sa work, automatic pag 559 ang area code, spiel ko...California, right? Yeah you're still affected by the outage, sorry...no ETA as of yet. pag nagalit si customer, You're not the only who's affected (bitch), almost the whole of Fresno and Sacramento are down...then there was silence...(shempre, medjo nag re-ready nako ng SUP-CALL, baka mag wala bigla si customer...hehe)..buti naman, ang madalas na sagot eh, ok, we'll just call back...and by the way, (COMPANY) sucks, bigtime!... nyahahaha!!!....di ako nag sabi nun ah, sila...hehe.

pag uwi naman, nag aantay ako ng bus...papuntang Cubao...kamusta? eh taga South ako!? pag uwi ko, kinakausap ako ng nanay ko...naka tingin lang ako at for some reason, di ko talaga gets yung sinasabi nya...so ang ending, na P.I. ako! hahaha!

EWAN!...masakit lang talaga siguro ulo ko. ininuman ko na ng gamot, mas parang lalong sumakit. must be the weather, ang init kasi eh. or siguro pagod lang ito. haaaay.

inubos ko na lang amoy ni athena kanina, pam pawala ng stress. :)





pfffftttttttt

just one of those damn days.....

pffffffttttttt.......


je <----------- LOSER...

Saturday, March 7, 2009

Mr. Tanaka (Tanga-ka)

haaaaay...sanay na naman ako sa mga gantong calls...pero minsan talaga...magiging sutil sa kanila eh. araw-araw iba't ibang klaseng calls makukuha mo...minsan sasabihin ng End User...how can you do this job? you have got to have a loooot of patience...zaklee!!!

work is work. :) and at the end of the day, it pays the bills.

j: Thank you for choosing AT&T innernet services, my name is J, may I please have your HSI number?

eu: Hiro Hiro?
j: Sir? your DSL phone number?
eu: Oh! hehe...310618XXXX..OK? you are J-A-Y?
j: No! just the letter J. (ano ka ngayon? leche!)..name on the account pls?
eu: Ayako Shimizu. but I, Mr. Tanaka.. hiro?
j: Yes Sir, i heard yaaaah! Tanaka right? (Tanga-ka! hihi)
eu: Hiro? Oh yes! i can't connect to my internet. Hiro? Hiro?
j: Sir? can you hear me? am i not clear?
eu: No. i can hear you...my Rights (lights) are green, can't connect! hiro?
j: (naiinis nako dito!) Sir, i'll try my best to help you, ariiiiight? but sir, just want to know if you KEHN hear me well...
eu: yes yes, you're KRIR (clear)..hehe...hiro?
j: (ampota ka, nangaasar ka na eh!!!) sir, stop saying HELLO, coz am LISTENING!!! just tell me what's goin on. when was the last time you were able to connect to the innernet?! (mejo napa taas na tono sa INNERNET! haha!)
eu: hiro? hiro!?
j: Mr. Tang.aaaka...(medyo hininaan ko lang para di obvious na tangaka sabi ko..LOL) for the last time, STOP saying HIRO...you're annoying me...
eu: oh ok. at nag litanya na sha....HIRO?
j: SIR!!!........at mahabang pause, sabay...nag troubleshoot nako...haaaayz!

half of the conversation puro HIRO...ampota, feeling ko, hobby na nya yung HIRO. eh napaka linaw naman ng linya...kumulo ang dugo at tubig ko sa katawan ng kausap ko si KOYA TANAKA! :((

buti na lang, RESOLVED ang issue!...Whew!!!

Friday, March 6, 2009

Pets

bata palang ako, hilig ko na mag pets. nawili ako sa gagamba (derby) at nilalaban ko pa yan sa kalye. LOL elementary ako, nag uuwi ako ng itik na nabibili sa may PIO DEL PILAR sa may Bangkal Elementary School, minsan may tinda silang mga maya na kinulayan o kaya isda (guppies), bilin ko yun tas algaan ko for awhile. hehe...hanggang sa nag college ako, nag try ako mag breed ng lovebirds, nag mga tropical fish, arowana, discus, oscars, red pacu at iba pa.

i find them relaxing, lalo na pag pini-pet mo na sila or sa aquarium naman, tignan mo lang sila palangoy-langoy nakaka relax na. sayang yung mga tag 100 Gal kong aquariums, nasa Bulacan na eh. di ko na kasi maasikaso yung mga pets ko lalo na nung patapos nako sa college. shempre kelagan work naman ako. so ang natitira ko na lang pets eh, sila Max and Brenda. ang mga malalandi kong dawgs! haha!

ngayon, nag pa-plano naman akong mag add ng kaaliwan ko. gusto ko lang may pagka abalahan habang andito pako. gusto ko yung hilig ko. PETS! :D (bukod sa baby ko..haha!)

gusto ko neto ------>



Discus yan, super ganda nyan lalo na pag alagang alaga, kasi tingkad ng colors!..nag alaga nako ng ganyan dati, super selan din...kelangan timplado ang temp ng tubig at ang maintenance. tas special diet pa yan ng puso ng baka. malay ko ba. :))..or pwede rin mag arowana ako ulet! kaso ang mga walangyang arowana, pag nabuset, nag su-suicide! LOL

OR


eto ----------->



trip ko din mag alaga ng Parrots! dati puro parakeets lang ako, nakakpag breed pako! ko-kyot ng babies!...pero ngayon trip kong African Lovebirds...tagal ko na actually gusto African Lovebirds.... hihi! :)...na eexcite ako!!! :D

now, kung parrots, kelangan pair...at saka, kelangan ko ng names!

beb.... ano magandang names? pangalanan mo, pls! :D

bata sa jeep

je: (sakay ng jeep sa Bicutan, ampota, eto na naman araw-araw kong kalbaryo...siksikan sa jeep! ang init pa!)

bata: naka tingin sakin.

je: huh? (may dumi ba sa muka ko? na inggit ba sa shades ko? huh, muka bakong matinee idol? <----------ambitious lang? LOL!)

bata: naka titig lang sakin...

je: (ano baaaaa!!!??) tingin ako sa kaliwa, tingin sa kanan...(naka titig pa rin!?)

bata: SUPER TITIG!

je: titigan ko nga, tutal naka shades naman ako eh, so malay ba nyang naka titig din ako.

bata: TITIG KUNG TITIG!!!

je: (haaaay salamat, lapit na ang Marcelo...hmmm..hubarin ko nga shades ko) oist bata, problema mo? sige tinginan tayo, pagod ka sana.

bata: TITIG NA TITIG lang...sabay..NGUMITI?

je: (am skuuuurrrdddd...MARCELO NA!!!!)..MA!!! PARA!!!! nag mamadali nako bumaba....katakot meyn!!! xD

bata...babae sha, mga between 5 and 7 years old...weird!

Friday, February 20, 2009

Thursday, February 12, 2009

Happy Hearts day!

HAPPY WAWABS DAY! :*


A
W
A
B
U

:*


thank you baby... :)


Happy Valentines y'all!!! :D

Wednesday, February 11, 2009

goo goo goo!

yang bubwit na yan ang madalas na alarm clock ko, pag papalo na ng 10pm...haha! oras na ng iyak nya. amf!

sarap sarap ng tulog ko ng biglang..ay! may tyanak sa kama ko! haha!!! love you pangpangkin! :D
tas kinakausap ako nyan ng oras na yan...eh antok na antok naman ako. hehe.
see? ganyan ako ngayon matulog...wala kasi yung malaki kong unan eh, nasa malamig na parte ng earth. haha! :p



Monday, February 9, 2009

Bayabas sa Jeep

Good mood ako actually, kaso.... pag baba ko ng bus sa sa Bicutan, sumakay ako ng Jeep papuntang village ko.

"ay, puno..pakshet." so napa upo ako sa gitna ng dalwang Manong. Mejo barado ilong ko pag baba ko ng bus, pero sakay ko ng jeep, parang biglang guminhawa. eh di upo nako. HUMANGIN...sabi ko.."hmpf!" bakit, parang amoy gulong, ay hinde amoy BAYABAS!!!...aayyyyy..si manong to my right, naka taas ang kamay. yun na! baling ako sa kaliwa si manong sa kaliwa naka taas din kamay...di ko na kelangan sabihin pa. xD

pakiramdam ko sa jeep, parang nilalanggasan ako. mabuti na lang naka pabango ako at mejo kumokontra ang amoy..pero naman, di magandang combination ang Crave at Bayabas (na di natural)..sama! napaka sama ng amoooyyyy!...at mabuti na lang naka shades ako, kasi pakiramdam ko..nag da-dilate ang mga pupils ko sa pag titiis! so dahil dun, wala ako choice kundi ang huminga..sa bibig. at ngayon, pakiramdam ko mag-kakasakit ako...ulit.

Thursday, January 29, 2009

try ko lang.

got this from FB, since i'm not doing anything, might as well try this one out. thanks, mina! :D

..because I know I'll be doing NOTHING AT ALL. im not complaining though. *big grin*

***

Here are the rules - post this list on your profile (in Notes) replacing my answers with yours.

Tag 25 people to do the same thing.

If I tagged YOU, it's because I want to know more about YOU!

1. WERE YOU NAMED AFTER ANYONE?
yep. An Angel. :D


2. WHEN WAS THE LAST TIME YOU CRIED?
3 or 4 days ago? parang ganyan. hehe


3. DO YOU LIKE YOUR HANDWRITING?
nung nag aaral pako. hehe..gamit na gamit ang kamay eh...ngayon, puro daldal lang. haha!

4. WHAT IS YOUR FAVORITE LUNCH MEAT?
ah eh, di ko rin gets. beef steak?


6. IF YOU WERE ANOTHER PERSON, WOULD YOU BE FRIENDS WITH YOU?
why not! yezzer!


7. DO YOU USE SARCASM?
ay oo. dun sa mga mukang Sacral at Lumbar and caricature-like creatures.


8. DO YOU STILL HAVE YOUR TONSILS?
RAAAAAWR! check!


9. WOULD YOU BUNGEE JUMP?
hmmm...tried parasailing, helmet diving, snorkeling, zipline..all new to me. why is Bunjee Jumping any different?, so YES! Beb, tara! :D

10. WHAT IS YOUR FAVORITE CEREAL?
yung wheat something na cereal? kalimutan ko na yung product name.


11. DO YOU UNTIE YOUR SHOES WHEN YOU TAKE THEM OFF?
depends which shoes i'm on. katamad minsan eh. hehe


13. WHAT IS YOUR FAVORITE ICE CREAM?
selecta! basta chocolate...go!

14. WHAT IS THE FIRST THING YOU NOTICE ABOUT PEOPLE ?
the way they talk.

15. RED OR PINK?
red.

16. WHAT IS YOUR LEAST FAVORITE THING ABOUT YOURSELF?
i worry, too much. :( (di ata halata.. haha!)

17. WHO DO YOU MISS THE MOST?
Baby ko. :(


18. DO YOU WANT EVERYONE TO COMPLETE THIS LIST?
Yeah. just to kill time baga. hehe

19. WHAT COLOR PANTS AND SHOES ARE YOU WEARING?
naka shorts lang ako ngayon, sa house lang ako eh. naka paa. ehehe.

21. WHAT ARE YOU LISTENING TO RIGHT NOW?
KASKADE's Angel on my shoulder EDX Radio Edit. GANDA!


22. IF YOU WERE A CRAYON, WHAT COLOR WOULD YOU BE?
aahhh...gusto ko RED, Black or Green...basta alin sa tatlo. :)..ay BLUE rin! hehe.

23. FAVORITE SMELLS?
For the longest time, i've been wearing Calvin Klein's CRAVE. yung mga ganung smell/ perfume. or anything na maganda ang chemistry sa balat ko. :)

24. WHO WAS THE LAST PERSON YOU TALKED TO ON THE PHONE?
Gibo. tumawag at nag kwento ng wabwayf! haha! HAPPY FOR YOU!!! :D


25. DO YOU LIKE THE PERSON WHO SENT THIS TO YOU?
YEAH! well she didn't send this to me directly though. she didn't tag anyone in facebook. just grabbed it from her site. :)


26. FAVORITE SPORTS TO WATCH?
FOOD FIGHT? sports ba yun? haha!


27. HAIR COLOR?
TSE!!!! xD...haha! pero may pagka brown...nung mahaba pa sha! ahahahaha!


28. EYE COLOR?
may pagka light na brown.


29. DO YOU WEAR CONTACTS?
NO! i like wearing eyeglasses, old style lang ako. hehe


30. WHAT IS YOUR FAVORITE FOOD?
GULAY!!! :D


31. SCARY MOVIES OR HAPPY ENDINGS?
Scary movies na may Happy Endings. hahahaha!


32. LAST MOVIE YOU WATCHED?
Eagle Eye...astig!

33. WHAT COLOR SHIRT ARE YOU WEARING?
blue.

34. SUMMER OR WINTER?
puro summer na lang dito eh, winter naman! looking forward to it though. ;)


35. HUGS OR KISSES?
Hug muna tas maliligo sa HALIK! yiheeeeee!!! *sigh*


37. MOST LIKELY TO RESPOND?
Pake ko! hhehe.

38. LEAST LIKELY TO RESPOND?
pake ko uyet! haha!


39. WHAT BOOK ARE YOU READING NOW?
Naisip ko yan the other day when i passed by a certain bookstore. amna look for one muna. :)

40. WHAT IS ON YOUR MOUSE PAD?
yung tatak nya? yung infra-red...ano bang question nga naman ito? ugh!

41. WHAT DID YOU WATCH ON TV LAST NIGHT?
wala eh. i was talking to my baby, kaso naka tulog na ata, so i slept na rin. hehe.

42. FAVORITE SOUND(S).
House, trance, rnb..depende sa mood.


43. ROLLING STONES OR BEATLES?
Rolling stones VS Beatles Remixes..hahaha!


44. WHAT IS THE FARTHEST YOU HAVE BEEN FROM HOME?
Cagayan De Oro!!! Weeeee!


45. DO YOU HAVE A SPECIAL TALENT?
Beb...? hahaha! not that i know of.. :p


46 WHERE WERE U BORN?
Manila City.

47. WHOSE ANSWERS ARE YOU LOOKING FORWARD TO GETTING BACK?
Bahala kayo. hehe


48. HOW DID YOU MEET YOUR SPOUSE/SIGNIFICANT OTHER?
Binigay sha sakin. yun naman! :D AMEN! hehehe!
awabu! :*


I TAG EVERYONE WHO'S BORED AND/OR NOT DOING ANYTHING RIGHT NOW.

Tuesday, January 20, 2009

Happy 17th! :D

Huy bugoy, HAPPY 17th! :*

Nag enjoy ako sobra nung bakashon natin. impak, kilig lahat ng mga sandaling kasama kita...wushooo!...TOTOO YUN! :D sana nga mas matagal ka pang nag stay, pero ok lang, lapit na naman eh... :D

miss ko na baby ko! :(

I LOVE YOU BABY!!! :*


Image Hosted by ImageShack.us



Image Hosted by ImageShack.us

Saturday, January 10, 2009

See you soon!

Eto pinaka mahirap eh, yung "alisan" part. :(

haaayz, mag kasama lang tayo kagabi at ng mga nakaraang araw, literal na araw-araw. pag gising at pag tulog. sa mga trips, mga gimiks, mga getaways, kainan, kulitan at minsan naka tulala lang. dun ko nga masasabing "i love doing nothing with you"... :D

papunta ka na ng Vancouver sa mga oras na ito, pag kaingatan ka ni God sa byahe mo. :)
have a safe trip Beb! :*

i wont say no more, obviously mashado akong emotional ngayon.

basta beb, take care of yourself habang di pa tayo mag kasama. this has been the best vacation i've ever had, you're the BEST GIFT i have. i enjoyed every single day with you. gustong gusto na kita alagaan ng tuluyan. malapit na yun beb. konting tiis na lang ha?

I LOVE YOU SOOO MUCH!!! :*

THANK YOU. :)

see you soon! :)